Bagyo, namataan sa labas ng PAR

Manila, Philippines – Binabantayan ang isang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Huli itong namataan sa layong 2,145 kilometers silangan ng Mindanao.

May taglay itong lakas na hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kilometers per hour.


Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Pagpasok nito sa PAR ay tatawagin itong bagyong ‘quedan’.

Bagamat, wala pang epekto ito sa bansa ang INTERTROPICAL CONVERGENCE ZONE ang magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Ang buong Mindanao ay makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan.

Sa Visayas, apektado rin ng ITCZ ang Panay at Negros Island.

Maaliwalas ang panahon sa Luzon maliban na lamang sa Palawan na apektado rin ng ITCZ.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 31 degrees celsius.

*Sunrise: 5:49 ng umaga*
*Sunset: 5:31 ng gabi*

Facebook Comments