Manila, Philippines – Inilagay na sa heightened alert ang buong pwersa ng Philippine Coast Guard ngayon nalalasa ang sama ng panahon dulot ng papasok na bagyo.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Port Authority, Marina at PNP partikular sa mga may ari ng mga sasakyan pandagat upang bigyan babala ang mga pumapalaot dahil nakakaranas ng malalaking alon dulot ng sama ng panahon.
Paliwanag ni Balilo mahalaga na maging maingat sa paglalakbay sa karagatan upang maiwasan ang anumang mga mangyayaring sakuna.
Pinayuhan din ni Balilo ang mga manlalakbay palagiang alamin ang lagay ng panahon at makikipag-ugnayan lamang sa pinaka malapit na Coast Guard Unit tungkol sa biyahe ng barko o motor bangka at sa mga karagdagang katanungan ay maari kayong tumawag sa Coast Guard Hotline 09177243682.