Bahagyang humina ang bagyong agaton habang patuloy na kumikilos pakanluran sa karagatang sakop ng Balangiga, Eastern Samar.
Ayon sa PAGASA-DOST, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 105 kilometro kada oras.
Mabagal ang pagkilos ng bagyo habang nananatili naman sa ilalim ng tropical cyclone wind signal no. 2 ang mga sumusunod na lugar
• Central and southern portions ng Eastern Samar
• Central and southern portions ng Samar
• At northeastern portion ng Leyte
Signal no. 1 naman sa mga sumusunod
• Nalalabing bahagi ng Eastern Samar
• Samar
• Northern Samar
• Biliran
• Nalalabing bahagi ng Leyte
• Southern Leyte
• Northern portion ng Cebu kabilang na ang Camotes Islands.
Dahil dito, asahan ang mga katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.