BLUE AT RED ALERT STATUS, IPATUTUPAD NG OCD RO2 NGAYONG HOLY WEEK

30
Cauayan City, Isabela- Nasa ilalim na ng blue alert status simula ngayong Linggo ng Palaspas ang mga Disaster Risk Reduction Management Operation Center (DRRMOC) sa Lambak ng Cagayan hanggang sa April 12, 2022.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Pamela Tabua, duty officer ng OCD Region 2, sasailalim naman sa Red Alert status ang DRRMOC simula Miyerkules Santo hanggang Easter Sunday (April 13-17,2022).

Pagkatapos ng Linggo ng Pagkabuhay ay babalik muli sa Blue Alert status ang OCD sa April 18 hanggang 20, 2022.

Batay sa monitoring ng OCD RO2, wala pang natanggap ang kanilang opisina na may naitalang untoward incidents ngayong simula ng Semana Santa.

Gayunman, maigting nilang babantayan ang mga lugar na pupuntahan o dadagsain ng mga tao ngayong Semana Santa tulad ng mga simbahan at ilog.

Facebook Comments