Bagyong Agaton, bahagyang humina habang nasa bahagi ng karagatan ng Leyte

Nananatiling mabagal ang pagkilos ng Bagyong Agaton habang kasalukuyang binabaybay ang karagatan ng Leyte.

Ayon sa PAGASA-DOST, huling namataan ang bagyo sa coastal waters ng Tolosa, Leyte at mabagal ang pagkilos pakanluran.

Bahagyang humina ang bagyo na nasa 65 kilometro kada oras at may pagbugsong nasa 90 kilometro kada oras.


Sa kabila nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod:

• Southern portion ng Eastern Samar
• Southern portion ng Samar
• Biliran
• Northern at central portions ng Leyte

Habang Signal No. 1 naman sa:

• Southern portion ng Masbate
• Nalalabing bahagi ng Eastern Samar
• Nalalabing bahagi ng Samar
• Northern Samar
• Nalalabing bahagi ng Leyte
• Southern Leyte
• Northeastern portion ng Cebu kabilang ang Camotes Island
• Eastern portion ng Bohol
• Surigao del Norte
• At Dinagat Islands

Dahil dito, asahan ang mga katamtaman hanggang sa mga malalakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar na posible ring magdulot ng mga pagbaha.

Facebook Comments