Nag-landfall na ang Tropical Storm Agaton sa bahagi ng Calicoan Island sa Guiuan, Eastern Samar dakong alas-7:30 kaninang umaga.
Sa 8 a.m. bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 11.0°N, 125.9°E sa karagatang sakop ng Guiuan taglay ang lakas ng hanging aabot sa 75 km/h at pagbugsong 105 km/h.
Nananatiling mabagal ang kilos ng bagyo sa 10 km/h.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
– Southern portion ng Eastern Samar (Guiuan, Mercedes, Salcedo, Quinapondan, Giporlos, Balangiga, Lawaan, General Macarthur, Hernani, Llorente, Balangkayan, Maydolong, Borongan City);
– Southern portion ng Samar (Marabut, Basey, Calbiga, Pinabacdao, Villareal, Santa Rita)
– Northeastern portion ng Leyte (Babatngon, Tacloban City, Palo, Tanauan, Tolosa)
Samantala, TCWS No. 1 naman sa:
– nalalabing bahagi ng Eastern Samar
– nalalabing bahagi ng Samar
– Northern Samar
– Biliran
– Natitirang bahagi ng Leyte
– Southern Leyte
– northeastern portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, Bogo City, Tabogon, Borbon) kabilang ang Camotes Islands
Ayon sa PAGASA, asahan na ang malalakas at paminsan-minsang mas malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas at Dinagat Islands.
Katamtaman hanggang sa malakas na mga pag-ulan naman ang iiral sa Surigao del Norte, Agusan del Norte, Bohol at Cebu.
Habang mahihina hanggang sa katamtamang malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Masbate, Sorsogon, Albay, Catanduanes, Romblon, Northern Mindanao at natitirang bahagi ng Visayas at Caraga.