Patuloy na kumikilos palapit sa Leyte ang tropical depression “Aghon.”
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 145 kilometers silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometer per hour taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 55 km/h at pagbugsong hanggang 70 km/h.
Nakasailalim pa rin sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Number 1 ang nasa 20 lugar sa bansa.
Luzon:
• SOUTHEASTERN PORTION NG QUEZON (CALAUAG, GUINAYANGAN, LOPEZ, BUENAVISTA, CATANAUAN, MULANAY, SAN NARCISO, SAN FRANCISCO, SAN ANDRES, TAGKAWAYAN)
• CAMARINES NORTE
• CAMARINES SUR
• CATANDUANES
• ALBAY
• SORSOGON
• MASBATE INCLUDING BURIAS AND TICAO ISLANDS
Visayas:
• NORTHERN SAMAR
• SAMAR
• EASTERN SAMAR
• BILIRAN
• LEYTE
• SOUTHERN LEYTE
• EXTREME NORTHERN PORTION OF CEBU (SAN REMIGIO, TABOGON, CITY OF BOGO, MEDELLIN, DAANBANTAYAN, BORBON) INCLUDING CAMOTES AND BANTAYAN ISLANDS
• NORTHEASTERN PORTION OF BOHOL (PRES. CARLOS P. GARCIA, BIEN UNIDO, TRINIDAD, ANDA, CANDIJAY, UBAY, MABINI, ALICIA, SAN MIGUEL, TALIBON)
Mindanao:
• DINAGAT ISLANDS
• SURIGAO DEL NORTE INCLUDING SIARGAO AND BUCAS GRANDE ISLANDS
• SURIGAO DEL SUR
• AGUSAN DEL NORTE
• EASTERN PORTION OF AGUSAN DEL SUR (SIBAGAT, CITY OF BAYUGAN, PROSPERIDAD, SAN FRANCISCO, ROSARIO, BUNAWAN, TRENTO)
Batay sa forecast ng PAGASA, magla-landfall ang Bagyong Aghon sa bisinidad ng Eastern Samar sa susunod na labindalawang (12) oras.
Pero tumataas din ang tiyansang tumama ang bagyo sa Leyte o Dinagat Islands.
Inaasahang lalakas pa ang bagyo at magiging typhoon bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes.