Bagyong Amang, napanatili ang lakas habang nasa Eastern Visayas

Halos hindi kumilos ang bagyong Amang na nasa silangang baybayin ng Eastern Samar.

Ito ay huling namataan sa layong 40 kilometers north – northeast ng Guiuan, Eastern Samar o 45 kilometers east southeast ng Borongan City, Eastern Samar.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kph.


Kumikilos ito pahilaga sa bilis na 10 kph.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa sumusunod:
· Sorsogon
· Masbate (kasama ang Ticao Island)
· Northern Samar
· Eastern Samar
· Samar
· Biliran
· Leyte

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – dahil tumama na ito ng kalupaan, inaasahang hihina na ito.

Makakaranas pa rin ng mahina hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas at Bicol Region.

Facebook Comments