Bagyong Ambo, itinaas na sa typhoon category; Samar, isinailalim na sa signal no. 2

Idineklara na bilang Typhoon ang Bagyong Ambo.

Huling namataan ang bagyo sa layong 325 kilometers silangan ng Catarman, Northern Samar.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour at pagbugsong nasa 160 kph


Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa mga sumusunod:

– Northern Samar

– Hilagang bahagi ng Eastern Samar

– Hilagang bahagi ng Samar

Signal Number 1 naman sa sumusunod:

– Natitirang bahagi ng Eastern Samar

– Natitirang bahagi ng Samar

– Biliran

– Masbate

– Sorsogon

– Albay

– Catanduanes

– Camarines Norte

– Camarines Sur

Asahan ang katamtaman hanggang paminsan-minsan na malalakas na ulan sa Eastern Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate.

Mapanganib para sa lahat ng uri ng sasakyang pandagat na maglayag sa mga lugar na nasa ilalim ng warning signals.

Facebook Comments