Bagyong Ambo, napanatili ang lakas habang tinutumbok ang Northern Quezon-Laguna area

Napanatili ng Bagyong Ambo ang lakas nito habang tinutumbok ang direksyon papuntang Northern Quezon-Laguna area.

Huli itong namataan sa bisinidad ng Catanauan, Quezon.

Kumikilos ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 125 kph malapit sa gitna at pagbugsong 165 kph.


Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 3 sa:
• Quezon kasama ang Polillo Island
• Rizal
• Laguna
• Southern portion of Aurora
• Southern portion of Nueva Ecija
• Eastern portion of Bulacan
• Western portion of Camarines Norte
• Extreme western portion of Camarines Sur
• Marinduque

Signal number 2 naman sa:
• Metro Manila
• Cavite
• Batangas
• Pampanga
• Tarlac
• La Union
• Benguet
• Nueva Vizcaya
• Quirino
• natitirang bahagi ng Aurora
• natitirang bahagi ng Camarines Norte
• natitirang bahagi ng Nueva Ecija
• natitirang bahagi ng Bulacan
• Burias Island
• Eastern portion of Pangasinan
• Western portion of Camarines Sur

Habang signal number 1 sa:
• Cagayan kasama ang Babuyan Islands
• Isabela
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• nalalabing bahagi ng Pangasinan
• Apayao
• Kalinga
• Abra
• Mountain Province
• Ifugao
• Zambales
• Bataan
• Oriental Mindoro
• Romblon
• Catanduanes
• Albay
• Sorsogon
• nalalabing bahagi ng Camarines Sur
• Northern portion of Mainland Masbate
• Ticao Island

Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Chris Perez, bukas ng umaga, inaasahang maitatala ang sentro ng bagyo sa Sigay, Ilocos Sur.

Facebook Comments