Bagyong Auring, magdadala ng malalakas na pag-ulan sa Visayas, Mindanao at ilang bahagi ng Katimugang Luzon

Papalapit ng kalupaan ang Tropical Depression Auring.

Sa huling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 755 kilometers Silangan-Timog Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 kph.


Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 10 kph.

Wala pang epekto ang bagyo sa bansa pero magdadala ito ng malalakas na pag-ulan sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Bicol Region, CALABARZON Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Lanao del Sur, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Northern Palawan at ang Calamian at Cuyo Islands pagdating ng weekend.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Inaasahang itataas ang tropical cyclone wind signals sa lalawigan ng Caraga at Davao regions bukas.

Posibleng maglandfall ang bagyo sa Caraga region sa pagitan ng Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Facebook Comments