Bagyong Auring – Nag-Iwan Ng Isang Patay

26

CEBU CITY – Isa ang naitalang patay sa pananalasa ng bagyong Auring sa bayan ng Toledo, lalawigan ng CebuKinilala ni Engineer Alexander Abella, Disaster Risk Reduction Management Officer Toledo City ang nasawing si Hannah Bea Villaflores – labing limang taong gulang.Batay sa impormasyon – tinangay ng malakas na agos si Hannabela matapos sagipin ang isa pang menor de edad na nalunod sa umapaw na ilog sa barangay Landahan.Tinangay ang bangkay ng biktima, tatlong kilometro mula sa pinangyarihan ng insidente.

Facebook Comments