Bagyong Auring, Tuluyan Ng Humina At Isa Nalang Lpa

14

MANILA – Tuluyan nang humina ang bagyong Auring.Ayon sa PAGASA, isa na lamang Low Pressure Area (LPA) ang naturang sama ng panahon na huling nakita sa silangan ng Mactan, Cebu.Sa kabila nito, nakataas pa rin ang flashflood at landslide alert sa rehiyon ng Bicol at probinsya ng Samar dahil inaasahang malalakas na pag-ulan.Apektado rin ng LPA ang CALABARZON, Mindoro, Marinduque at Romblon.Mataas naman ang tyansang umulan sa Metro Manila sa susunod na tatlong araw.Uulanin rin ang Western at Eastern section ng Visayas gayundin sa CARAGA, Zamboanga peninsula, Davao region at Northen Mindanao.SUNRISE: 6:24 AMSUNSET: 5:43 PM

Facebook Comments