Humina ang bagyong Betty sa magdamag at nasa typhoon category na lamang ito.
Huli itong namataan sa layong 815 kilometers Silangan ng Hilagang Luzon at kumikilos ito sa direksyon Kanluran-Hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa gitna at may pagbugso na aabot sa 215 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
• Batanes
• Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
• Isabela
• Apayao
• Ilocos Norte
• Hilaga at gitnang bahagi ng Abra
• Kalinga
• Silangan at gitnang bahagi ng Mountain Province
• Silangan at gitnang bahagi ng Ifugao
• Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora
• Quirino
• Hilagang silangang bahagi ng Nueva Vizcaya
Ayon sa PAGASA, patuloy nitong tatahakin ang direksyong Kanluran-Hilagang kanluran hanggang bukas at unti-unti itong babagal hanggang sa halos hindi gumagalaw sa Martes sa katubigang sakop ng Silangan ng Batanes.