OFWs na may flight, pinatutulungan sa recruitment agencies sa harap ng banta ng bagyo

Inatasan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang recruitment agencies na alalayan ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na maaapektuhan ng flight cancellations.

Sa harap ito ng banta ng Bagyong Betty.

Partikular na posibleng maapektuhan ng bagyo ang OFWs na may flight ngayong weekend.


Tiniyak naman ng OWWA na nakahanda silang tumugon sa pangangailangan ng OFWs.

Facebook Comments