Bagyong Bising, bahagyang humina; Signal Number 2, nakataas na lamang sa tatlong lalawigan sa Luzon

Patuloy na humihina ang Typhoon Bising.

Huling namataan ang bagyo sa layong 505 kilometers Silangan ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 175 kilometers per hour at pagbugsong nasa 215 kph.


Mabagal itong kumukilos sa direksyong pahilaga.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa sumusunod:

SIGNAL NUMBER 2

Luzon:
– Catanduanes
– Silangang bahagi ng Camarines Sur
– Hilagang Silangang bahagi ng Albay

SIGNAL NUMBER 1

Luzon:
– Batanes
– Cagayan (kasama ang Babuyan Islands)
– Isabela
– Quirino
– Apayao
– Silangang bahagi ng Kalinga
– Dulong silangang bahagi ng Moutain Province
– Dulong silangang bahagi ng Ifugao
– Hilagang bahagi ng Aurora
– Silangang bahagi ng Quezon (kasama ang Polillo Islands)
– Camarines Norte
– Natitirang bahagi ng Camarines Sur
– Natitirang bahagi ng Albay
– Sorsogon
– Hilagang bahagi ng Masbate (kasama ang Burias at Ticao Island)

Visayas:
– Northern Samar
– Hilagang bahagi ng Samar
– Hilagang bahagi ng Eastern Samar

 

Ayon sa PAGASA, magdadala ito ng malalakas na pag-ulan sa Catanduanes habang may katamtaman na may minsang malalakas na pag-ulan sa silangang bahagi ng Camarines Sur at Rapu-Rapu Islands.

Hindi inaalis ang posibilidad ang itaas ang Signal Number 2 sa ilang lugar sa silangan ng Cagayan at Isabela.

Inaasahang hihina ang bagyo bilang severe tropical storm pagsapit ng Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa araw ng Linggo.

Facebook Comments