Response teams ng DSWD, handang tulungan ang mga LGU na naapektuhan ng Bagyong Bising

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakahanda ang kanilang quick response teams para tulungan ang mga Local Government Unit (LGU) na naapektuhan ng Bagyong Bising.

Ang Quick Response Teams ay handang magbigay ng technical assistance.

May mga nakahanda ring emergency relief supplies para alalayan ang mga LGU.


Aabot sa higit ₱1.59 billion ang standby funds ng ahensya.

Hinimok ng DSWD ang publiko na makinig sa babala ng kanilang mga local chief executive para maiwasan ang anumang disgrasyang dala ng bagyo.

Facebook Comments