Bagyong Bising, napanatili ang lakas habang kumikilos pahilaga-hilagang kanluran ng bansa

Napanatili ng Bagyong Bising ang kaniyang lakas habang patuloy na kumikilos pahilaga-hilagang kanluran ng bansa.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 235 hilagang silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 240 kilometro kada oras.

Kaugnay nito, nananatili pa rin sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No.2 ang mga sumusunod:


– Catanduanes
– mga lugar sa silangang bahagi ng Camarines Sur
– mga lugar sa silangang bahagi ng Albay
– mga lugar sa silangan at gitnang bahagi ng Sorsogon
– Northern Samar
– Samar
– Eastern Samar
– at Biliran

Signal no. 1 naman ang nakataas sa mga lugar na nasa timog silangang bahagi ng Cagayan at:

– mga lugar sa silangang bahagi ng Isabela
– mga lugar sa hilagang-silangang bahagi ng Quirino
– mga lugar sa hilagang bahagi ng Aurora
– mga lugar sa silangang bahagi ng quezon kabilang ang Polilio Islands
– Camarines Norte
– nalalabing bahagi ng Camarines Sur
– nalalabing bahagi ng Albay, Sorsogon, at Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands
– Leyte
– Southern Leyte
– mga lugar na nasa hilagang bahagi ng Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands
– Mga isla ng Dinagat, Siargao at Bucas Grande

Samantala, inaasahang hihina ang bagyo sa mga susunod na oras habang kumikilos papalayo ng kalupaan ng bansa.

Facebook Comments