Nananatili sa Philippines Sea ang Typhoon Bising.
Huling namataan ang bagyo sa layong 250 kilometers Silangan – Hilagang Silanga ng Virac, Catanduanes.
Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 195 kilometers per hour at pagbugsong 240 kph.
Kumikilos ang bagyo hilaga – hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa
LUZON:
– Catanduanes,
– Silangang bahagi ng Camarines Sur
– Silangang bahagi ng Albay
– Silangan at Gitnang bahagi ng Sorsogon
VISAYAS:
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Biliran
Signal Number 1 naman sa sumusunod:
LUZON:
– Silangang bahagi ng Isabela
– Hilagang bahagi ng Aurora
– Timog-silangang bahagi ng Quezon province (kasama ang Polillo Islands)
– Camarines Norte
– Natitirang bahagi ng Camarines Sur
– Natitirang bahagi ng Albay
– Natitirang bahagi ng Sorsogon
– Masbate (kasama ang Burias at Ticao Islands)
VISAYAS:
– Leyte
– Southern Leyte,
– Hilagang bahagi ng Cebu (kasama ang Bantayan at Camotes Islands)
MINDANAO
– Dinagat Islands
– Siargao Islands
– Bucas Grande Islands
Ayon sa PAGASA, asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, at Leyte.
Magpapatuloy ang malalakas na pag-ulan sa Bicol Region at Northern Samar hanggang bukas.
Mananatili ang lakas din nito sa susunod na 12 hanggang 24 oras.
Patuloy na kikilos pahilaga ang bagyo hanggang sa malakayo ito sa Luzon landmass.