Ganap ng isang bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) na pinangalanang Butchoy.
Huling namataan ang bagyo sa layong 75 kilometro ng hilagang kanluran ng Daet, Camarines, Norte.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 Kilometers Per Hour (KPH) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 KPH.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) number 1 sa mga sumusunod na lugar:
• Pangasinan
• Zambales
• Bataan
• Tarlac
• Pampanga
• Nueva Ecija
• Bulacan
• nalalabing bahagi ng Aurora
• Metro Manila
• Rizal
• Laguna
• Cavite
• hilaga at gitnang bahagi ng Quezon
• at Camarines Norte
Possible namang dumaan ang bagyo sa Polilio Islands at mag-landfall sa Northern Quezon-Southern Aurora area, ngayong gabi o Biyernes ng umaga, June 12, 2020.
Bunsod nito, asahan ang katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan sa CALABARZON, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Occidental Mindoro, Marinduque, at Romblon.
Moderate to heavy rains naman ang iiral sa Central Luzon, Metro Manila, Western Visayas, Oriental Mindoro, at nalalabing parte ng Bicol Region at Palawan.
Habang light to moderate na minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.
Samantala, maliban sa Central at Southern Luzon at ilang bahagi ng Visayas, nagdudulot din ng pag-ulan sa Western section ng Mindanao ang Habagat.