Bagyong “chedeng” – humina at isa na lamang low pressure area

Humina at isa na lamang low pressure area ang bagyong “chedeng” matapos na mag-landfall sa Davao Occidental.

Huli itong namataan sa bisinidad ng lake Cebu sa South Cotabato.

Kahit isa na lang lpa, magdadala pa rin ito ng kalat-kalat at katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Region, North Cotabato, Davao del Norte, Davao del Sur at Davao City.


Habang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa natitirang bahagi ng mindanao at ilang bahagi ng Central Visayas at Leyte Provinces.

Pinag-iingat pa rin ang mga residente sa mga nabanggit na lugar dahil sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paglalayag lalo na ng maliliit na sasakyang pandagat sa Eastern Seaboard ng Visayas at sa Eastern at Southern Seaboard ng Mindanao.

Samantala sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, maaaliwalas ang panahon pero asahan pa rin ang pulo-pulong pag-ulan bunsod ng localized thunderstorm.

Facebook Comments