Kapatid ni Subic businessman Dominic Sytin na si Dennis Sytin, pinadalhan na ng subpoena ng DOJ

Pinadalhan na ng Dept. of Justice ng subpoena si Dennis Sytin , sinasabing mastermind sa pagpatay  sa kanyang kapatid na si Subic businessman Dominic Sytin.

 

Sa subpoena ng DOJ, ina-atasan si Dennis na sumipot sa pagdinig sa kaso sa April 1.

 

Una nang nagsampa sa DOJ ng kasong murder at frustrated murder ang maybahay ni Dominic na si Ann Marietta Sytin, laban kay Dennis Sytin matapos itong ikanta ng naarestong gunman na si Edgardor  Luib


 

Ayon kay Luib, si Dennis Sytin ang nag utos sa kanya na patayin ang kapaitd nito kapalit ng pera.

 

Bukod kina Luib at Dennis , kasama rin sa mga inireklamo sina  Oliver Fuentes, alias Ryan Rementilla, na kababata si Luib.

 

Nasa kamay na ng Department of Justice (DOJ) ang mga dokumento kaugnay ng imbestigasyon ng Olongapo Police sa kaso ng pagpatay kay businessman Dominic  Sytin.

Facebook Comments