Bandang alas 5:30 kaninang umaga ng mag-landfall ang bagyong Chedeng sa Malita, Davao Occidental.
Ayon sa PAGASA weather bureau dahil sa pag-landfall ng bagyo tuluyan nang humina ito at ganap na isa na lamang Low Pressure Area (LPA).
Inalis na rin ng weather bureau ang lahat ng tropical cyclone warning signal sa mga lugar sa Mindanao na una nang itinaas sa typhoon signal no.1
Gayunman makakaranas pa rin ang mga kalat-kalat na moderate to heavy rains ang ang mga lalawigan ng Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Region, Soccsksargen at bahagi ng Northern Mindanao, Bangsamoro Region at Zamboanga Peninsula.
Base sa pinakahuling ulat ng PAGASA bandang alas 7 kanina tinatayang nasa bisinidad na ng Malungon, Saranggani ang LPA.
Gayunman pinapayuhan pa rin ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot sa bahagi ng eastern seaboards ng Visayas at Mindanao dahil sa masungit pa ang panahon.