Patuloy na lumalapit ng kalupaan ang tropical depression Chedeng.
Ito ay matapos pumasok kahapon sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang bagyo sa layong 725 kilometers silangan ng Davao City.
Napanatili nito ang kanyang lakas na nasa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kph.
Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20 kph.
Nakataas na ang tropical cyclone warning signal number 1 sa sumusunod:
- Davao Oriental
- Compostela Valley
- Davao del Sur
- Davao City
- Katimugang bahagi ng Davao del Norte (kasama ang Samal Island)
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – posible rin isama na rin sa warning signal sa susunod na bulletin ang Northern Cotabato at silanghang bahagi ng Sarangani.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa silangang baybayin ng Davao Oriental mamayang gabi o bukas ng umaga.
Asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental, Compostela Valley at Davao del Norte.