Heavily-tinted vehicles, babantayan na rin ng PNP

Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay sa heavily-tinted vehicles.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – makakatulong ito para sa epektibong pagpapatupad ng mga kasalukuyang batas para sa road safety sa bansa.

Kabilang na ang Anti-Distracted Driving Act, Seatbelts Use Act at Child Safety in Motor Vehicles Act.


Aminado naman ni PNP-Highway Patrol Group Director, Chief Superintendent Roberto Fajardo – na mahirap tukuyin ang mga lumalabag dahil sa madidilim na tint sa mga bintana ng mga sasakyan.

Bibisitahin ng PNP-HPG ang mga shop na nagdidikit ng window tint at ipaalala ang tint grade na pinapayagan ng batas.

Facebook Comments