Bagyong “Crising”, lalo pang lumakas at isa nang tropical storm; Signal No. 2, nakataas sa apat na lugar sa Mindanao

Lalo pang lumakas at isa nang tropical storm ang bagyong “Crising” habang tinutumbok ang Davao Oriental-Surigao del Sur area.

Huli itong namataan sa layong 330 kilometers Silangan ng Davao City.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 80 kph.


Kumikilos ito pa-Kanlurang Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 kph.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa:

 southern portion ng Surigao del Sur (Lingig, Bislig City)
 southern portion ng Agusan del Sur (Trento, Santa Josefa)
 northern portion ng Davao Oriental (Boston, Cateel, Baganga)
 northeastern portion ng Davao De Oro (Compostela, Montevista, Monkayo, New Bataan)

Habang Signal Number 1 sa:

 natitirang bahagi ng Surigao del Sur
 natitirang bahagi ng Agusan del Sur
 natitirang bahagi ng Davao Oriental
 natitirang bahagi ng Davao de Oro
 Davao del Norte
 Davao City
 At eastern portion ng Bukidnon (Impasug-Ong, Malaybalay, Cabanglasan, San Fernando, Quezon, Valencia, Lantapan, Maramag, Dangcagan, Kitaotao, Don Carlos, Kibawe at Damulog)

Facebook Comments