Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na posibleng magdulot ng lahar at mudflow mula sa Bulkang Mayon ang Bagyong Dante.
Ayon sa PHIVOLCS, maaaring magkaroon ng lahar at sediment-laden streamflow sa mga ilog at drainage areas ng Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi Mabinit, Matan-ang, at Basud, Bantayan Channels sa Albay Province.
Pinapayuhan ng PHIVOLCS ang mga apektadong komunidad at local government units na bantayan ang galaw ng bagyo at magpatupad ng pre-emptive response measures.
Facebook Comments