Bagyong Dante, nag-landfall sa bisinidad ng Cataingan, Masbate

Muling tumama ng kalupaan ang Tropical Storm Dante.

Huling nakita ang sentro nito sa bisinidad ng Cataingan, Masbate.

Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 90 km/hr.


Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 km/hr sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa sumusunod:

Luzon:
– Masbate
– Sorsogon
– Albay
– Camarines Norte
– Kanluran at Gitnang bahagi ng Camarines Sur
– Katimugang bahagi ng Quezon
– Silangang bahagi ng Marinduque
– Hilaga at Silangang bahagi ng Romblon

Visayas:
– Biliran
– Hilaga at Gitnang bahagi ng Samar
– Kanlurang bahagi ng Northern Samar

Nakataas naman ang Signal Number 1 naman sa sumusunod:

Luzon:
– Katimugang bahagi ng Isabela
– Ifugao
– Mountain Province
– Silangang bahagi ng Benguet
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Aurora
– Silangang bahagi ng Nueva Ecija
– Silangang bahagi ng Bulacan
– Rizal
– Laguna
– Silangang bahagi ng Batangas
– Nalalabing bahagi ng Quezon kasama ang Polillo Islands
– Oriental Mindoro
– Nalalabing bahagi ng Marinduque
– Nalalabing bahagi ng Romblon
– Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
– Catanduanes

Visayas:
– Natitirang bahagi ng Northern Samar
– Natitirang bahagi ng Samar
– Eastern Samar
– Leyte
– Southern Leyte
– Hilagang bahagi ng Cebu (kasama ang Bantayan at Camotes Islands)
– Hilagang bahagi ng Bohol
– Hilagang bahagi ng Negros Occidental
– Hilaga at Silangang bahagi ng Iloilo
– Capiz
– Aklan
– Hilagang bahagi ng Antique

Ayon sa PAGASA, asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Biliran, Leyte provinces, Cebu, Negros Occidental, Aklan, Antique, Capiz, hilaga at silangang bahagi ng Iloilo, Masbate at Romblon.

May katamtaman din hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Western at Central Visayas, Samar, Occidental at Oriental Mindoro, Quezon, at Camarines Norte.

Magkakaroon naman ng tiyansa ng mahihina hanggang sa paminsang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Palawan, at natirirang bahagi ng Visayas at Bicol region.

Inaasahang kikilos ang bagyo pahilaga patungong Quezon at Aurora province bago dumaplis sa Northern Luzon.

Mapapanatili ng bagyo ang lakas nito hanggang sa humina bilang tropical depression ngayong araw.

Facebook Comments