Libreng annual medical check-up para sa mga Pilipino, aprubado na rin sa Kamara

78

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukala para pagkalooban ng libreng annual medical check-up ang mga Pilipino.

Sa botong 245 sang-ayon at wala namang pagtutol ay pinagtibay ng Kamara ang House Bill No. 9072 o Free Annual Medical Check-up Bill na sumusuporta sa Universal Health Care Law.


Layunin ng panukala na maisulong ang “right to health” ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng taunang medical check-up na libre sa alinmang pampublikong ospital.

Sa ilalim ng panukala ay gagawin nang libre ang pagpapakuha ng blood sugar, cholesterol tests at iba pang pagsusuri sa mga government hospital at kahalintulad na pasilidad.

Huhugutin naman sa PhilHealth ang budget para sa libreng taunang medical check-up ng mga Pilipino.

Posible namang madagdagan ang mga test na maaaring i-avail ng mga tao, depende sa financial capability ng ahensya.



Facebook Comments