Bagyong Dante, patuloy na nagpapaulan sa silangang bahagi ng bansa

Naghahatid pa rin ng mga pag-ulan sa silangang bahagi ng bansaang Tropical Storm Dante.

Huling namataan ang bagyo sa layong 375 kilometers Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 75 kilometers per hour at pagbugsong nasa 90 km/hr.


Kumikilos ang bagyo pahilagang-kanluran sa bilis na 20 km/hr.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa sumusunod na lugar:

Luzon:
– Silangang bahagi ng Sorsogon
– Silangang bahagi ng Albay

Visayas:
– Northern Samar
– Samar
– Eastern Samar
– Biliran
– Silangang bahagi ng Leyte
– Silangang bahagi ng Southern Leyte

Mindanao:
– Dinagat Islands
– Siargao
– Bucas Grande Islands

Ayon sa PAGASA, magdadala ang bagyo ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.

May mahihinang pag-ulan sa Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Cebu, Bohol, Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, SOCCSKSARGEN, at nalalabing bahagi ng Caraga at Davao Region.

Mataas ang tiyansang mag-landfall ang bagyo sa Eastern Visayas o Bicol Region.

Hindi rin inaalis na lumakas pa ito bilang severe tropical storm bukas ng hapon o gabi bago ito humina pagsapit ng Huwebes at Biyernes.

Facebook Comments