Bagyong Dante, tropical depression na lamang

Manila, Philippines – Ibinaba na ng PAGASA sa tropical depression ang bagyong Dante na ngayon ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 1,450 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso na 60 kph.


Inaasahang tatahakin nito ang direksyong northeast sa bilis na 20 kilometers per hour.

Samantala, iiral pa rin ang maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat-pagkulog sa lalawigan ng Batanes at sa mga isla ng Calayan at Babuyan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Kamaynilaan at sa nalalabing bahagi ng bansa lalo na sa hapon o gabi.
DZXL558

Facebook Comments