Department of Agriculture, maglalayag sa Benham Rise sa unang linggo ng Mayo

Manila, Philippines – Itutuloy na ng Department of Agriculture sa may 5 hanggang 7 ang naudlot na paglalayag sa Benham Rise.

Pag-aaralan kasi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga likas-yaman sa lugar.

Pag-aaralan din ng mga opisyal ng BFAR kung ano ang pwede nilang gawin para maprotektahan ang lugar.


Ayon kay DA Secretary Emmanuel Piñol, kabilang sa maglalayag sa Benham Rise ay ang research vessel mv DA-BFAR, apat na maliit na sasakyang-pandagat na DA-BFAR, at tinatayang isang dosenang FB pagbabago na fiberglass fishing boats.

Aniya, magmumula sa Infanta, Quezon ang paglalayag papunta sa pinakamababaw na bahagi ng “Philippine Rise.”

Naunang itinakda ng DA ang paglalayag sa Benham Rise noong Semana Santa, pero ipinagpaliban ito dahil sa sama ng panahon.
DZXL558

Facebook Comments