Bagyong Dindo, lumakas pa bilang isang Tropical Storm

Lumakas at isa nang ganap na tropical storm ang Bagyong Dindo na kasalukuyang nasa layong 440 kilometro silangan hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging papalo sa 65 kph at pagbugsong aabot sa 80 kph.

Bahagya ring bumilis ang nasabing sama ng panahon habang tinatahak ang direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.


Sa kabila nito, wala pa ring itinataas sa alinmang parte ng bansa na Tropical Cyclone warning signal.

Dahil sa pinagsamang Bagyong Dindo at habagat, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa buong Luzon at Western Visayas.

Sa nalalabing bahagi ng bansa, posible pa rin ang pag-ulan dulot pa rin ng habagat.

Inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Dindo bukas ng umaga.

Facebook Comments