Kumikilos pahilagang silangan ang tropical depression Dodong.
Huling namataan ang bagyo sa layong 700 kilometers silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kph kumikilos sa bilis 10 kph.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – malabo na itong mag-landfall dahil tinutumbok nito ang Japan.
Pero palalakasin ng Dodong ang southwest monsoon o hanging habagat.
Asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa kanlurang bahagi sa Luzon at Visayas.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang hapon o gabi.
Facebook Comments