Maliit na ang tyansa na maglandfall sa anumang panig ng bansa ang bagyong Domeng.
Ayon sa latest bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong domeng sa layong 565 kilometers east – northeast ng Basco, Batanes.
Nasa tropical storm category pa rin ang bagyo, taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometers malapit sa gitna at pagbuso na posibleng umabot sa 105 kilometers per hour.
Inaasahan na kikilos ito north, northeast na may bilis na 21 kph.
Kung hindi magbabago ang galaw ng bagyo, posibleng lumabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR), bukas ng umaga.
Asahan naman ang maghapong pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol region, western Visayas gayundin ang lalawigan ng Bataan, Zambales at Mount Province dahil sa southwest monsoon o hanging habagat.
Sa ngayon, nakataas ang orange rainfall warning sa cavite at yellow rainfall warning sa metro manila, zambales at bataan.
Dahil dito, asahan ang malakas na ulan sa loob ng dalawang oras sa mga nabanggit na lugar na maaring magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar.
Nakataas din ang gale warning sa eastern seaboard ng luzon at visayas kasama na ang western seaboard ng central at southern luzon kaya’t pinapayuhan ang mga kababayan nating mangingisda na may maliliit na sasakyan pandagat na huwag na munang pumalaot.