Napanatili ng Bagyong “Egay” ang lakas nito habang kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran.
Huli itong namataan sa layong 815 kilometers silangan ng Southeastern Luzon.
Kumikilos ito sa bilis na 10 kilomters per hour taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong 70 kilometers per hour.
Batay sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na kikilos ang bagyong Egay pa-kanluran hilagang-kanluran hanggang bukas.
Hindi pa rin isinasantabi ang posibilidad na ito ay mag-landfall sa bahagi ng Northern Luzon.
Inaasahang lalakas pa ang bagyo sa tropical storm ngayong araw at posibleng maging super typhoon sa Martes o Miyerkules habang nasa Philippine Sea sa Silangan ng Extreme Northern Luzon.