Bagamat lumakas pa ang Typhoon Fabian, hindi ito magdadala ng malalakas na pag-ulan sa bansa.
Huling namataan ang bagyo sa layong 785 kilometers silangan – hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ito sa direksyong kanluran – timog-kanluran hatid ang lakas ng hanging nasa 120 kilometers per hour at pagbugsong nasa 150 km/hr.
Ayon sa PAGASA, palalakasin ng bagyo ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Hilagang bahagi ng Palawan.
Mapanganib na maglayag sa mga baybayin ng Batanes at Babuyan Islands, at kanlurang baybayin ng Palawan, kasama ang Kalayaan at Calamian Islands, at Occidental Mindoro, kasama ang Lubang Islands.