Napanatili ng Bagyong Fabian ang lakas nito habang nasa dulong Hilagang Luzon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,085 kilometers Silangan – Hilagang Silangan ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour, at pagbugsong nasa 90 km/hr.
Kumikilos ito sa bilis na 10 km/hr.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), malabo na itong magdala ng malalakas na pag-ulan sa bansa pero palalakasin nito ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Bukod kay Bagyong Fabian, may binabantayan ding Tropical Depression na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na nasa 830 kilometers Kanluran ng Extreme Northern Luzon.
Mararanasan ang monsoon rains sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan.
Inaasahang lalabas ang Bagyong Fabian sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes ng hapon o gabi.