Bagyong Falcon, bahagyang bumilis habang napanatili ang lakas

Bahagyang bumilis ang tropical storm Falcon habang pinapanatili nito ang kanyang lakas.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 310 kilometers silangan-hilagang silangan ng Calayan, Cagayan o 220 kilometers silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 kilometers per hour.


Kumikilos ito north-northeast sa bilis na 30 kph.

Kaya asahaan ang katamtaman na minsan malalakas na pag-ulan sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Northern Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands at Romblon.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay may mahiihinang pag-ulan.

May binabantayan ding Low Pressure Area (LPA) na nasa 190 kilometers kanluran – timong kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR), mamayang gabi.

Facebook Comments