Bagyong Florita, lalo pang lumakas; Mga lugar na nasa signal number 3, nadagdagan

Lalo pang lumakas ang Severe Tropical Storm Florita kahit na nag-landfall na ito sa Maconacon, Isabela alas-10:30 ng umaga.

Huling namataan ang bagyo sa coastal waters ng Maconacon, Isabela.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbusong 150 KPH.


Kumikilos ang bagyo hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 20 KPH.

Nakataas pa rin ang Tropical Wind Signal Number 3 sa mga sumusunod na lugar:

– Hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Dumalneg, Adams, Bangui, Burgos)
– Apayao
– Katimugang bahagi ng Babuyan Islands (Camiguin Is., Fuga Is., Dalupiri Is.)
– Mainland Cagayan
– Hilagang silangan ng Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Ilagan City, San Mariano)

Tropical wind signal number 2 sa mga sumusunod:

– Natitirang bahagi ng Babuyan Islands,
– Natitirang bahagi ng Isabela
– Quirino
– Hilaga at silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Quezon, Diadi, Bagabag, Villaverde, Solano, Kasibu)
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Hilagang bahagi ng Benguet (Buguias, Bakun, Mankayan, Kibungan)
– Natitirang bahagi ng Ilocos Norte at Ilocos Sur
– Hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)

Tropical Wind Signal Number 1 naman sa:

– Batanes
– Natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya; Benguet; La Union, Aurora
– Silangang bahagi ng Pangasinan (Santo Tomas, Villasis, Mapandan, Mangaldan, San Fabian, San Jacinto, Manaoag, City of Urdaneta, Rosales, Balungao, Umingan, San Quintin, Natividad, San Nicolas, Tayug, Santa Maria, Asingan, San Manuel, Binalonan, Sison, Pozorrubio, Laoac, Dagupan City)
– Hilagang silangan ng Tarlac (San Manuel, Anao),
– Nueva Ecija

Dahil dito, asahan na ang malalakas na pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Zambales, at Bataan.

Katatamtamang ulan naman sa hilagang bahagi ng Aurora, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Rizal, at sa natitirang bahagi ng Cagayan Valley.

Habang mahihinang ulan ang iiral sa natitirang bahagi ng Gitnang Luzon at natitirang bahagi ng Calabarzon.

Facebook Comments