Ogie Diaz, proud daddy sa graduation ng anak sa senior high school!

47

Proud dad ang comedian-talent manager na si Ogie Diaz, sa pagtatapos ng kanyang anak na si Erin Diaz sa Senior High School.

Sa kanyang Facebook page, ibinida ni Ogie ang latest achievement ng anak na balak daw kumuha ng kursong Culinary Arts.

Sinariwa rin ng comedian ang mga panahong huminto si Erin sa pag-aaral dahil sa bullying, kaya naman full support aniya siya nang maisipan nitong bumalik sa pag-aaral.


Say pa ni Ogie, masayang-masaya siya dahil nasaksihan niya ang pagsisikap ng kaniyang anak na makatapos at hiniling na sana ay ipagpatuloy niya ito hanggang kolehiyo.

Ang kwelang bilin naman ni Ogie sa kaniyang apat na anak, tapusin ang kanilang pag-aaral para kung sakaling iwan sila ng kanilang mga asawa ay kaya nilang tumayo sa sariling mga paa.

Facebook Comments