BAGYONG GARDO | Ibat-ibang chapter ng Philippine Red Cross nakahanda na kay Gardo

Manila, Philippines – Dahil sa inaasahang masamang lagay ng panahon dulot ng bagyong Gardo.

Nakahanda na ang ibat-ibang chapter ng Philippine Red Cross (PRC).

Ayon sa PRC mahalaga ang kahandaan upang maiwasan ang sakuna.


Payo pa ng Red Cross hanggat hindi pa nararamdaman ang epekto ni Gardo sa ngayon importanteng pagtibayin ang bubong ng bahay upang maiwasan ang pagtangay nito dulot ng malakas na hangin.

Mahalaga din ang pagkakaroon ng “lifeline kit” na madaling makuha sa oras ng sakuna.

Laman ng “lifeline kit” ang pagkain, tubig, gamot, pera, damit, flashlight, pito at ilang mahahalagang dokumento

Panatilihin din ang pakikinig sa balita upang maging update sa kilos ng bagyo.

Kasunod nito naka preposisyon na ayon sa Red Cross ang kanilang mga emergency response vehicles.

Maging ang mga relief goods ay nakahanda narin saka-sakaling ilikas ang ilan nating mga kababayan.

Facebook Comments