Banca sa Lake Buhi, CamSur, OVERLOADed, Nalunod, 3 Patay

Isang motorized banca ang nalunod kahapon bandang alas 8:15 ng gabi sa Lake Buhi, Brgy. San Buena, Buhi, Camarines Sur.
Kinilala ang mga biktima na sina Solidad Siocson y Merilles, 58 y/o, married; Liza Siocson-Bonsay, 47 y/o, married; Gabriel Bejirano y Salabao, 3 y/o (dead); Joshua Bejerano, 12 y/o; Jonas Menorca y Bejerano, 6 y/o (missing). Pitong iba pang pasahero ang hindi naman nasaktan. Sila ay pawang mga residente ng nasabing barangay.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang nasabing banca ay may lulang 12 na pasahero habang naglalayag sa Lake Buhi sa panig ng Brgy. San Buena. Napag-alaman na sobra ang pasahero at siyang dahilan kung bakit tumaob ang nasabing sasakyang-pandagat. Ayon pa sa detalye, pinasok ng tubig ang unahang bahagi ng banca at tumaob dahil sa sobra ang bigat ng mga pasahero nito,
Sampu ang na-rescue sa nasabing insidente at dinala sa pagamutan subalit tatlo sa kanila ang binawian ng buhay, samantalang 2 iba pa ang missing.
Patuloy pa ang ginagawang search and rescue ng pulisya katulong ang Buhi Emergency Rescue Team at umaasang makikita at mailigtas pa ang mga na-ireport na nawawala.
Kasama mo sa balita, RadyoMaN Manny Basa, Tatak RMN!
photocredit: pepen&manny

Facebook Comments