MANILA – Lumakas at bumilis ang bagyong Gener na inaasahang lalapit sa Extreme Northern Luzon.Dahil dito, itinaas na sa public storm warning signal number 1 sa Batanes Group of Island.Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo 495 kilometro, Silangan Hilagang-Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometers per hour at pagbugsong nasa 170 kph.Bahagyang bumilis ang kilos ng bagyo sa 24 kilometers per hour.Magpapaulan naman ang habagat na pinalalakas ng bagyong Gener sa Southern Luzon at Visayas.Dito sa Metro Manila, mataas din ang tyansa ng ulan mula umaga hanggang gabi.Maghapon din ang ulan sa halos buong Visayas habang sa Mindanao, asahan ang thunderstorm sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga Region.Ayon sa weather bureau, sa weekend unti-unting mawawala ang epekto ng habagat sa Visayas, pero sa buong Luzon naman ito magpapaulan, kahit palabas na ang bagyong Gener sa Philippine Area of Responsibility, bukas (araw Sabado).
Bagyong Gener, Bahagyang Bumilis, Storm Signal Number 1, Itinaas Na Sa Batanes Group Of Island
Facebook Comments