Sistema Ng Pagsagot Sa Mga Pahayag Ni Pangulong Duterte, Aayusin Ng Malakanyang

21

MANILA – Isinasaayos na ng Malakanyang ang sistema ng pagpapaliwanag sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at pagsagot sa mga tanong ng media.Kasunod ito ng magkakaibang pahayag ng mga tagapagsalita ng pangulo na nagreresulta ng kalituhan sa publiko.Ayon kay Secretary Martin Andanar, ang tanggapan ng Presidential Communications Office (PCO) na ang sasagot sa mga tanong ng media kaugnay sa mga statement ng pangulo.Ang PCO na rin anya ang magsasabi kung sinong kalihim ang dapat na magsalita at magpaliwag sa isyu.Mananatili naman si Presidential Spokersperon Ernesto Abella na tagapagsalita ng pangulo.Una nang nagkaroon ng kalituhan sa katatapos na Asean Summit sa Laos kung saan lumabas ang maling impormasyon kaugnay sa seating arrangement ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments