Bahagyang lumakas si tropical depression “Gorio”.
Huling namataan ang bagyo sa 440 kilometers hilagang silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 60 kilometers per hour at pagbugso na 75 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 15kph.
Pinalalakas ng bagyo ang hanging habagat.
Dahil dito, asahan ang malalakas na ulan sa Metro Manila, kabisayaan, Ilocos, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Zambales, Bataan at Aurora.
Naglabas na rin ng yellow rainfall warning sa Metro Manila at ilang kalapit probinsya kung saan posible ang pagkakaroon ng pagbaha.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa linggo.
Facebook Comments