Humina na si Bagyong Henry sa Typhoon category habang mabagal itong kumikilos paalis ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 345 kilometers Silangan-Hilagang Silangan ng Itbayat, Batanes.
Ito ay may lakas na aabot sa 150 kilometers per hour at may pagbugso ng aabot sa 185 kilometers per hour.
Batay sa pagtaya ng PAGASA, patuloy na kikilos ito sa direksyong hilagang kanluran o hilaga-hilagang kanluran hanggang ngayong umaga habang asahan ang paglakas nito at pagbilis ng kilos habang papaalis ng bansa.
Nakataas naman ang Signal No. 2 sa Batanes habang isinailalim sa Signal No. 1 ang Babuyan Islands at Santa Ana sa mainland Cagayan.
Inaasahang lalabas si Bagyong Henry ngayong gabi o bukas ng umaga.
Antabayanan ang mga susunod na update kay Bagyong Henry ng PAGASA mamayang alas singko ng umaga.