Bagyong Ineng, naging severe tropical storm na; Signal no. 2, itinaas na sa Batanes!

Tuluyan nang naging severe tropical storm ang bagyong Ineng.

Ito ay namataan sa layong 580 kilometers silangan ng Tuguegarao.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour at pagbugsong nasa 115 kilometers per hour.


Kumikilos ito hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – hindi naman nito palalakasin ang hanging habagat.

Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes habang signal number 1 sa Kalinga, Ilocos Norte, Northern Abra.

Magiging katamtaman hanggang sa malalakas ang ulan sa Ilocos, Cordillera, Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan) at Mindoro Provinces.

May mahihinang ulan dulot ng habagat sa Central Luzon, Cavite, Batangas, hilagang bahagi ng Palawan (kasama ang Calamian at Cuyo), Aklan, Antique, Iloilo, Guimaras at natitirang bahagi ng Cagayan Valley.

Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo bukas.

Facebook Comments