Bagyong Ineng, napanatili ang lakas habang hinahatak ang hanging habagat

213

Humihigop pa rin ng lakas sa Philippine Sea ang tropical storm ‘Ineng.’

Huling namataan ang bagyo sa layong 840 kilometers silangan ng Casiguran, Quezon.


Napanatili nito ang lakas na nasa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 kph.

Kumikilos pa-West Northwest sa bilis na 15 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin, magkakaroon ng malalakas na pag-ulan sa Bicol region, Aurora at Quezon.

Palalakasin din ng bagyo ang hanging habagat.

Sa Mindanao ay maganda ang panahon.

Mapanganib maglayag sa eastern seaboards ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Facebook Comments

From Advertisers