Manila, Philippines – Patuloy na tumatawid ang bagyong Isang sa dulong hilagang bahagi ng Luzon.
Huling namataan ang bagyo sa layong 60 kilometers ng Basco, Batanes.
Napanatili pa rin ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 97 kph.
Kumikilos si ‘isang’ pa-kanluiran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang storm warning signal number 2 sa Batanes Group of Islands.
Signal number 1 naman sa Northern Cagayan kasama ang Babuyan Group of Island, Apayao at Ilocos Norte.
Asahan naman ang pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon sa Visayas dala ng habagat na hinahatak ng bagyo.
Inaasahang makakalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo mamayang hapon.
Facebook Comments